Home Actress Angelica Panganiban HD Instagram Photos and Wallpapers November 2022 Angelica Panganiban Instagram - Thankful, so here’s to November 🦃

Angelica Panganiban Instagram – Thankful, so here’s to November 🦃

Angelica Panganiban Instagram - Thankful, so here’s to November 🦃

Angelica Panganiban Instagram – Thankful, so here’s to November 🦃 | Posted on 25/Nov/2022 10:44:45

Angelica Panganiban Instagram – 2 months into motherhood, at eto mga natutunan ko

Bago ka mag padede kapag 4am na, mag sipilyo, hilamos at umihi ka na. You’ll never know kung papayag pa ba siyang magpababa sayo ( ibulong mo na din kay Lord na sana makaligo ka sa araw na ito ) 😜

Pangalawa, ipunin ang mga kailangan sa tabi mo kapag nagpa dede ka, remote ng tv, at ng aircon, libro, phone, charger, tubig at snacks. 

Pangatlo, hindi ka na makakapag damit. Tanggapin mo na, na naka bra ka na lang hanggat manawa siyang dumede sayo. Kasama na rin dito ang pag suklay ng buhok. What is hair brush na po tayo. Opo. 

Pang apat, kumain ng marami at mabilis. Pero bawal ang kalansing ng kubyertos at baka magising mo ang nabudol mong baby.

At, matulog kapag tulog si baby. Subukang pakalmahin ang isip. I know madami tayong gustong gawin at ma accomplish. Pero, tanggapin mo nang, hindi ka naman talaga makakatayo sa kinauupuan mo. Kaya matuto kang matulog ng nakaupo. 😋

Saludo ako sa lahat ng ina. Mabuhay tayong lahat 😇

Check out the latest gallery of Angelica Panganiban