Cristine Reyes Instagram – Isang taon na ang nakalipas Papa Mudja.
Palagi ako tumitingala sa langit, kasi alam ko andyan ka nagbabantay samin. Happy ako kasama mo na si Papa Jesus. Dalawa na kayo nagbabantay samin ni Amarah.
Hindi ka nawawala sa isip at puso ko. Alam kong alam mo yun. Salamat kahit huli na ang lahat, tinuruan mo ako ng maraming bagay sa buhay lalong lalo na nung mawala ka samin dito sa mundong ito.
Maraming bagay na hindi maiintindihan ng makamundong tao ang aral na pinamana mo sakin at dadalin ko yun habang buhay.
Magkikita pa tayo muli, Papa Mudja.
🤍 ☪️ ❤️🩹 🕌 🖤 🕋 ❤️
1965-2022 | Posted on 29/May/2023 21:18:04



