Andi Eigenmann Instagram – Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita.
Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag- asa at ligaya.
Wala na ang sakit.
Wala na ang takot.
Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal.
Magkikita din tayong muli.
Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit.
Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na.🤍 | Posted on 12/Mar/2024 12:02:56



