Rhen Escano Instagram – 🇵🇭 Bukas, Mayo 12, 2025, tayo’y muling haharap sa isang mahalagang tungkulin bilang mamamayan. Ang bawat boto natin ay hindi lang karapatan, ito po ay ating responsibilidad. Wag po natin kalimutan na ang tamang function ng mga senador ay ang paggawa ng mga batas na nauukol sa pangangailangan ng mamamayan. Tayo po ang nagpapasweldo sa kanila. Their job is to serve the Filipino people. Kaya piliin po sana natin yung may tunay na kakayahan at talino. Mapagod na po sana tayo bumoto ng mga walang kwenta at mga abusadong magnanakaw.
STOP WORSHIPPING THIEVES.
STOP ENABLING CORRUPTION.
Piliin ang may kredibilidad, may magandang track record, konkretong plataporma at advokasiya. May tunay na layuning paglingkuran ang sambayanan at hindi ang pansariling interes lamang.
Ang isang boto mo ay hindi lang simpleng papel sa balota. Ito ay tinig ng pag-asa, pagkilos, at pagbabago. Maging matalino at mapanuri. Bantayan ang iyong boto.
“Bumoto ng matalino. Bumoto nang matalino.”
Pinipili ko ang mga kandidatong ito dahil tinataglay nila ang mga katangian na mga aking nabanggit upang maging karapat-dapat na maihalal.
I just want to take a moment to encourage everyone to consider them and to vote wisely. I personally support these specific candidates.
Your vote matters more than you think! 🇵🇭
#Halalan2025 #ParaSaPilipinas | Posted on 11/May/2025 09:47:24



