Kim Chiu

Kim Chiu Instagram – Bilang isang proud probinsyana, pinipili ko ang 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗞𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧—hindi lang dahil sa pangalan, kundi dahil sa tunay nilang hangaring itaas ang boses ng mga nasa laylayan, lalo na sa mga probinsya. 💚
Lumaki ako sa probinsya, at alam ko kung gaano kahirap minsan na marinig at mapansin ang mga hinaing natin.
Marami sa atin ang kulang sa oportunidad, imprastruktura, at suporta mula sa gobyerno. Kaya para sa akin, mahalaga na may mga kinatawang may tunay na malasakit sa atin— yung galing din sa probinsya, at alam ang totoong laban ng mga probinsyano.
Ang #ProbinsyanoAko Partylist ay hindi lang tumatayo para sa isa, kundi para sa ating lahat. Nagsusulong sila ng mga programang makatutulong sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, at kabuhayan sa mga lalawigan. Sila ang tulay natin para marinig sa Kongreso ang ating mga pangangailangan.

Ngayong eleksyon, piliin natin ang mga lider na hindi lang nangako kundi may ginagawa. Piliin natin ang partylist na may puso para sa mga probinsya. Piliin natin ang #𝟭𝟮𝟳 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗞𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧. Para sa probinsya. Para sa kinabukasan. Para sa atin. 💚

#127ProbinsyanoAkoPartylist | Posted on 01/Apr/2025 12:01:11

Kim Chiu
Kim Chiu

Check out the latest gallery of Kim Chiu